I sang my song that was never appreciated... I sang still and waited... Until somebody listened... And we made music.
Saturday, December 16, 2006
Basahan
Ang basahan mo, maaring damit na ng iba.
Biruin mo, sa dami ba naman ng damit na minamanufacture sa mundo bawat taon, bawat season, o bawat nais lang maglabas ng trend ng mga fashion designers pati mga imitators, aba, ndi kaya matabunan na tayo ng damit? Pero bakit marami pa rin ang nakahubo at namamalikarot (thanks for the term sir Mon) sa ginaw dahil walang suot? Tsk, tsk, tsk.
May garage sale malapit sa opisina. Hindi pinalagpas ng kasama ko ang pagkakataong ito. Tama nga naman, makakamura ka na, hindi pa kailangan pumila sa counter sa panahong gaya ngayon — Christmas rush. Hindi rin ako nakapagpigil. Sa simula’y patingin-tingin lang ako. Di nagtagal, nakikihalungkat na rin ako ng mga pwedeng bumagay at gamitin ko, but take note, way below the budget. Ukay-ukay ang mas mainam na tawag dun.
Bingo! May nakita akong maong na jacket. Hindi na masama. Maganda. May nakuha din kasama ko, isang blouse na ‘cute’. Gusto ko rin sya at di na sya nag-atubiling bilhin. Regalo pala nya sa akin. Magkano? Two items for PhP120. WOOOOWWW!!!
Hahaha. Isipin mo. Halos ipamigay na ng iba pero pinapatulan pa rin. Basahan na halos nila pero may presyo pa. Ang iba, hanggang hanga lang sa may bintana. Meron dyan walang saplot. Ang marami, basahan ang suot.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment