About Me

My photo
I love hard. I laugh loud. I wanna live laudibly.

Wednesday, June 18, 2008

Ang Liham ni Mav (a.k.a. Mab)

Isang ping (bago ang liham) ang aking natanggap mula kay Marivie Duran, ang aking dating kaopisina dito sa EITSC, kasundo, kaututang isip, kakulitan, kakiligan, kakambal, kalokohan (hehehehe). Sabi nya mayroon daw syang isinulat na liham para sa akin. At dahil hindi na uso ang snail mail at marahil ay masyadong techie itong si Mav, ay sa blog nya ito isinulat. Note: Pasensya Mav, dahil blog ko ito, may mga kailangang akong i-omit. Ahahaha. Masyadong vulgar. Hindi ko na rin ilalagay 'yung reference site ng blog mo. Ayoko nga! Narito ang liham na nilagdaan ni Mav (a.k.a. Mab para hindi na masyadong mahirap pakinggan at bigkasin):
Dear Tina-pay,

Ilang buwan na din tayong magkakilala at masasabing kong isa kang matibay na nilalang. Malakas ang loob mo, hindi ka natatakot sumubok ng mga bagay-bagay. Hindi ka natakot magmahal. Saludo ako sayo.

Kung mayroon man akong 'twin sister' sigurado akong ikaw yun. Hindi ko din alam kung bakit nagkakasundo tayo, hindi ko din alam kung bakit magaan ang loob ko sayo.

Hindi kasalanan ang magmahal. Kung hindi man naging maganda ang kinalabasan ng pagmamahal na iyon, eh ano?! Okay lang yun. At least ibinigay mo ang lahat ng makakaya mo at hindi ka natakot magmahal. Kung hindi man niya iyon nasuklian ng ayon sa gusto mo, hindi mo na kasalanan yun.

Huwag mong isipin na wala kang silbi dahil hindi iyon totoo. Kailan man hindi iyon magiging totoo.

"Its not the failures that matters, its what you have learned."

Subukan mo ulit. Walang pumipigil sa iyo. Wala din namang nagmamadali sa iyo.

Hindi nasusukat sa tagal ng pagsasama ang pagmamahal sa isang tao. Hindi rin ito nasusukat sa mga hirap at saya na pinagdaanan nyo. Madalas walang sukatan ang pagmamahal.

Malinis ang iyong kalooban, makakatagpo ka din ng para sa iyo. Subukan mo ulet. Subukan mo ulet mag&^$# sa * o kaya ang *... hindi ko na lang sasabihin kasi alam mo na iyon :).

Kung gusto mo siya walang problema dun at kung kailangan mo ako, alam mo kung ano ang kaya ko hahaha :). Pero alam mo naman kung ano ang kumento ko ukol sa kanya, pagisipan mo :).

You are loved. You are always loved. By me.

Nagmamahal,

Mav

* *toot* boopboopbaby:)

Thank you Mav. Thank you dahil kahit alam kong nabobore ka at walang magawa sa trabaho mo ay nag-exert ka ng effort (brain bleed) para sa liham na ito. Nangingilid na ang luha ko. Ang babaw ko talaga. Nega and drama queen na ako.

Gagawa din ako ng reply letter ko. Antayin mo lang. May training pa kami. Hahaha.

1 comment:

Anonymous said...

haha:p masyadong matalinhaga ang ating mga paguusap. Ayan ha di ko nilagay ang link sa blog ko wahahha=)) its for them to find out na lang:p