*****
Nagsimula ang lahat isang Byernes ng hapon noong high school ako. PE day ang Byernes sa LEC. Volleyball ang lesson (nakashorts pa ako nun ng black). Hindi pa natatapos ang game, nakaramdam na ako ng pagod. Ni hindi pa nga dumadapo yung bola sa mga kamay ko maliban sa tira ko o serve na 'di na rin naulit (bano!). Magaling kasi ako umiwas sa bola. Nakatayo lang ako sa court, patakbo-takbo, kunwa'y tatangkaing tamaan at ibalik sa kalaban ang bola pero aagawan lang ako ng kasama ko kahit na isigaw ko ang "Mine!" Nagpa-substitute na ako. Kinakapos na ako ng hininga. Pag-upo ko sa bangko (where I belong) eh parang umiikot na nang literal ang mundo ko. Mabilis. At parang kumikitid. Namumutla na pala ako. Abot-abot ang paghinga ko. Akala ko joke lang ang lahat. Seryoso pala na nangyayari yun. Pero nakasurvive ako. Buti na lang wala akong nakitang light at the end of the tunnel.
Kinahapunan nun, pagkatapos ng klase, sinundo ako ng Mama ko. (Sino kaya nagsumbong? Dyahe, sinusundo pa ako eh ok naman na ako.) Dumerecho kami sa Dagupan para mapacheck-up ako. Patpatin at gusgusin, kulang na lang talaga ilabel yung noo ko na "malnourished". Ang daming tanong. Kelan ako huling niregla? Regular ba? (First time ko maencounter yung mga ganitong tanong, promise) May history ba ng hypertension? Ng TB? At kung anu-ano pa. Lahat yun, Mama ko ang sumagot. (Sya ba ang maysakit?) Well, it boiled down into a thing: ASTHMA. Di ko alam paano nalaman ng duktor yun. Flinashlight nya lang yung loob ng bunganga ko, alam na nya?! Amazing! Allergic daw ako sa usok ng sigarilyo at pati alikabok. So that will oblige me to clean my room more often. Pambihira talaga.
May prescription agad. Nebulizer. Nakakaloka. Pero maige na rin kesa ang painumin ako ng pinagpakuluan ng butiki o ang paglanguyin ako sa dagat. Effort.
No comments:
Post a Comment