Habang tinatahak ko ang daan papuntang Makati sakay ng bus, tumugtog sa ere ang isang kantang nagdala sa akin sa nakaraan. (
Time space warp, ngayon din!)
Nagtatawanan kami ng pinsan ko. Grade 4 ako nun at nasa bahay nila kami, sa may itaas. Umuulan din nun at ang tanging alam naming libangan sa tuwing sasapit ang Sabadong tulad nun ay magbasa ng mga lipas na episodes ng True Horoscope (ewan ko kung kilala nyo si Nimpha). May tugtog pa (multitasking talaga ang lahi namin) mula sa radyo nilang maliit. FM station yun na di ko na maalala. Tumutugtog yung "Nakapagtataka" at in fairness, sinasabayan din ng ulan at ng malalamig naming boses ang saliw. Birit kung birit. Bigla nya ako tinanong kung paglaki ko ano daw ba ang gusto ko maging. Sabi ko gusto ko maging abogado o di kaya nag-oopis din lang gaya ni Mama. Sabi nya, hindi daw ako naging matalino para lang mag-opis. Ibinalik ko sa kanya ang tanong. Eh ikaw? Sabi nya, gusto nyang maging
plain housewife. Napanganga ako. Huh?
Plain housewife? Hindi ko tiyak kung ano iniisip ko nun, napatanong ako ng 'Ano bang propesyon yung walang asawa?' Sagot nya, Madre. Sabat ko, 'Sige, magmamadre na lang ako.'
Nag-iba ang tugtog. Tuyo Na'ng Damdamin. Di namin alam ang
lyrics pero dahil maganda ang
melody napatigil ako sa pagbabasa at nakinig. Gayon din pala ang pinsan ko. Sa murang edad, hindi pa namin alam kung paano ma-
inlove pero sa pagkakataong iyon, ang kantang 'yon ang nagpaliwanag kung paanong mawalan ng minamahal. Kanta pa lang, nakakapagod na. Isang tingin lang namin sa isa't-isa, nagkaintindihan kami na kailangang mag-ingat sa pagpili ng mamahalin.
Itinuloy namin ang pagbabasa ng True Horoscope. Panaka-naka, nahuhuli ko sya nakatingin sa kawalan. Nagmumuni-muni. Ang lalim ng iniisip. Ako rin, di ko maitanggi na napapaisip din ako.
Eto nga pala yung lyrics ng kanta na tinutukoy ko.
Tuyo Na'ng Damdamin
(Silent Sanctuary)
Minsan kahit na pilitin
mong uminit ang damdamin
Di siya susunod, at di
maglalambing
Minsan di mo na mapigil mapansin
Na talagang wala
nang naiiwan na pagmamahal
[Refrain]
At kahit na anong
gawin
Di mo na mapilit at madaya
Aminin sa sarili mo
Na wala ka nang
mabubuga
Parang 'sang kandila na nagdadala
Ng ilaw at
liwanag
Nauubos rin sa
magdamag
(Instrumental)
Minsan di mo na mapigil
mapansin
Na talagang wala nang naiiwan na pagmamahal
(Repeat
Refrain)
Di na madaig o mabalik ang dating matamis na
kahapon
Pilitin ma'y tuyo na'ng damdamin
Tuyo na'ng damdamin (repeat 4x)
*****
Sya nga pala. May asawa na yung pinsan ko ngayon. Apat na ang anak at plain housewife nga sya. Ako nag-oopis. Wala na yung itaas ng bahay nila. Balita ko kasi winasak ng bagyong Cosme nung nakaraang buwan ng Mayo kaya sa Level 1 na lang ng bahay nila sila nakatira. Nakakapagmuni-muni pa rin kaya sya?
No comments:
Post a Comment