- Aray ko! ARAY KO! Sadyang naka-all caps 'yung pangalawang ARAY KO! Minsan kasi, sa unang aray ng isang MRT commuter na naiipit, natutulak o nabubunggo eh ded-ma ang nang-iipit, nanunulak o nambubunggo. Kailangan pang lakasan at lagyan ng stress sa pamamagitan ng pag-uulit ng sinasabi mo para maiabot ang mensahe mo sa mga sadya o 'di sinasadyang nanakit. Strategy din yan para mabigyan ka ng space.
- 'Wag naman kayo manulak! Pansinin na ang pagkakasabi ng karamihan sa MRT commuters ay addressed sa subject in plural form. Sa pagkakasakay mo kasi sa MRT, ang nanunulak sa 'yo ay tinutulak ng nanunulak sa nanunulak sa nanunulak sa likod mo. (Whew!) Kaya kapag humirit ka ng ganyan, addressed to the public 'ika nga. Tamaan na ang guilty!
- Ano pa problema mo? Iyan ang matapang at mataray na sagot ng mga guilty sa pagtulak, pang-iipit o pambubunggo ng kapwa MRT commuter. Palibhasa, hindi pwedeng hindi makaganti sa pagkakapahiya o pamimintang sa kanila, yan ang matinding counterattack nila. Minsan din, ginagamit ito pangdepensa sa mga sumisimple sa pagtulak, pag-ipit o pagbunggo para masindak sila sa katarayan mo.
- Kita na lang tayo sa ------ station! Ito ang bungad ng mga magkakasamang commuters (magsyota, mag-ina, mag-ama, mag-asawa, magkapatid, magbarkada, magkaribal, magkapitbahay, magkabit, etc.) sa isa't-isa kapag napaghihiwalay sa pagsara ng pintuan ng MRT. Iisang paroroonan pero magkaiba ng nasakyang coach ng tren. Ang isa, nadadala sa agos ng heavy commuters at ang isa naman, napag-iwanan dahil sa.... ano nga ba...uhmmm, katangahan na lang siguro.
- Wow! Macau! Self-explanatory. Paid voice advertisement ito ng Chowking na sobrang dry. Akala ko kasi nung una ad sya ng Magic Sing. Alam mo yun, yung Wow Magic Sing. Hay ewan ko ba. You should hire me! Hehehe.
Hayan na ang aking listahan. Marami pa sana pero iyan lamang ang mga pumatok sa pagmamasid ko (na pati pagdadasal ko ng rosaryo ko eh 'di ko natatapos dahil sa aking pagmamasid at pag-uusisa).
*****
Madalang na ako maging MRT commuter ngayon. Hindi, wala pa akong kotse at wala pa ring naghahatid sa aking may sasakyan. Hindi rin, wala ako pambayad sa cab araw-araw. Sikretong malupit na lang kung bakit. :P
*****
Lady Voice Over: Buendia Station, Buendia Station. Kindly exit the train on the left side. Maari lamang pong lumabas sa kaliwang pinto. Maraming salamat po. (Wala lang ito. Natuwa ako sa bagong ininstall na voice prompt sa MRT kahit mali-mali sya ng pagbanggit sa kung saan istasyon ka na nga ba. Mabuti na yun kesa yung dating MRT driver slash announcer na sa umaga ay garalgal pa ang boses na parang 'di pa nagmumumog. Hah!)
No comments:
Post a Comment