About Me

My photo
I love hard. I laugh loud. I wanna live laudibly.

Friday, June 13, 2008

Way to Recovery

Umagang-umaga, nagboblog na naman ako. Ok lang. Wala pa namang 8:00 am eh. Di ko alam kung bakit pero after what seemed to be endless excruciating moments over something I should not have wasted time in, eh I feel so light and up again. God must have taken charge over my life now. He truly must be. Paglapag ko pa lang ng bag ko sa chair ko, on agad ang notebook at ang water dispenser para sa hot water ko. Parang nasa bahay lang ba? Hubad ng sapatos at sabay saksak sa paa ng pair of sheep-ish bed slippers ni Ms. Ria (na iniwan sa office kay Ms. Rina na syang tunay na nagmamay-ari nito). Lambot sa paa. Gusto kong sumayaw. Wala pang tao sa office eh. Kung kelan naman gusto ko ng partner para mag-sway-sway sa pinapatugtog kong Michael Buble songs eh saka naman hindi nagpapakita yung mumu sa ECCP office (ok, i take that back. Takot ako sa mumu eh.) Timpla na ako ng Milo drink ko, for energy daw. (Nadaan na naman ako sa ads.) Pagewang-gewang ako sa tugtugin habang iniikot ang kutsarita sa cup of chocolate drink ko. Feeling ko para akong kutsaritang sumasayaw nung makita ko ang reflection ko sa window. Hmmmm... payat ko na ah! Ok lang yun. Papagarage sale ako ng mga damit na pinagpayatan ko. Hahahaha. Ibang songs naman. Somewhere Over the Rainbow by Nora Jones. Humahampas yung mga balikat ko sa tempo ng song. Para akong si Maja Salvador. Hahaha. Sa ganda at payat ko ngayon, di na ako nalalayo sa kanya(in my dreams). Anyway, I still think Nora Jones and Michael Buble sound good together. I mean, they can make a good couple singing forever. Di ba? Madalas kasi pinagbabasehan ng tao ang looks, hence the phrase they look good together. Para maiba naman, wag na lang tignan sa mukha, sa boses na lang. They sound good together. O di ba? Tignan mo si Rachel Ann at Christian Bautista. I do not think they sound good together, kaya ayun, naghiwalay sila. Pokwang and Christian siguro, pwede pa. Eh bakit way to recovery? Kasi nga, I'm singing again like I own the voice of God. I'm dancing again like there's no one watching. Cool yun. Being yourself, your happy true self. So fully recovered na ako? I'm getting there! Yuhooooo....
*****
To my ever-loyal pianist (ayoko sabihin organist or keyboard artist. Promise, ang sagwa pakinggan.), Mac. Salamat sa pagtitiyaga sa pagtugtog mo ng mga piyesang pinili ko para sa Kanya. Sa pilit na pag-abot ng key mo at in the end eh ako pa rin ang nasusunod, salamat. Nagttranspose ka rin sa key ko. Ahahaha. Salamat sa gift of music which we both share. Maswerte akong nakatagpo ng kaibigang tulad mo na sa low points ng buhay ko eh instrumental lang ng theme song ng Lovingly Yours, Helen ang ipinangtatapat mo para bumagsak mga luha ko. Salamat, Mac. Hindi lang pinsan ang turing ko sa'yo. Bestfriend and church bandmate pa. Sa susunod na pag-uwi ko, God of Silence naman kakantahin ko. Ayan, umiiyak na naman ako.

6 comments:

Anonymous said...

oohhh i miss our early morning bonding session:( love you tinao-pay:)

Tinao said...

Mab, mas namimiss kita. Naiiyak na naman ako. Ahahah. Ganun ako pag may namimiss. Masyado mushy. OO, namimiss ko na yung pagkwentuhan natin sa panty, este, pantry. Ahahaha.

Anonymous said...

heheh wala akong ym eh:(. Kelan ang bonding galore nten ule? ahahha=)) anong nigagawa mo?:)

Tinao said...

so officially start na ng work mo ngayon? as in 'welcome to the family' ka na? hay naku. eto nga ako at nagpreprepare for the training for tomorrow on DACUM. miss na kita girl! kasama ko si mark. ok naman sya. pag tahimik. hehehe. may video nga yan pinakita sa akin eh. song ng mga taga-la salle on being "rather be green than be blue" check it out. nakakatawa.

Anonymous said...

haha anong video un? hindi ba un ung kay randy santiago? hahaha magusap ba naman sa blog.. di pa naman, training paden kame hehhe..wala lang ginagawa pa maxado haha=)) wow may training tom, aja aja=)

Tinao said...

oo nga eh. wala ka kasi YM. and did you know i have a word with He-who-must-not-be-named early morning. nayahahah. ok naman. nagkasundo na kami. commission matters na naman. waaaahh!!! ayoko na!

katawa naman. dito pa talaga nag-uusap.

ewan ko when ang next gala natin. miss ko na kayo ni miss ree. pillars of my strength kayo eh. may ganun!

yung video si ogie alcasid daw ang gumawa. search mo sa youtube at sige, take the liberty to comment slash lait the archers. joke lang. i have DLSU friends and cousins din naman. at love ko sila.

ikinasal na pala si ces datu. yung pinsan kong broadcaster slash singer slash composer na kinikwento ko sa yo. may pinagmanahan. ahahah.